Dobleng sahod sa mga pulis, alam kong kulang — Digong | RAKET, APRUB!
- Mylene Alfonso
- Aug 10, 2019
- 2 min read

AMINADO si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nito mapipigilan ang raket ng mga pulis dahil hirap din umano sila sa kanilang pamilya sa kabila na dinoble ang suweldo ng kapulisan.
Una nang ibinunyag ni P-Duterte ang sideline ng mga pulis para kumita sa video karera.
“I can understand na alam mo ‘yung — especially the Chinese, Christmas time, okay ako, wala… pero ‘yang maghingi ganu’n, medyo mahirap ‘yan. Tutal meron naman kayong sideline. ‘Yung video karera inyo naman ‘yan. Sa lahat ng station commander kasi alam ko kulang,” anang pangulo.
Ayon sa pangulo, batid niya ito dahil naging alkalde siya sa Davao ng 23 taon at naging prosecutor sa loob ng walong taon.
“Eh, hindi mo rin talaga mapigilan. So, alam mo ‘yang police even sa pamilya nila hirap ‘yan. I know because I have been mayor for 23 years. I was a prosecutor for eight years,” wika pa ni Pangulong Duterte.
Gayunman, nagpaalala si Pangulong Duterte sa hanay ng kapulisan na makuntento at huwag maging ganid sa pera.
Naniniwala pa ang pangulo na hindi ito panunuhol kung kusa naman aniya ibinibigay ito sa mga kapulisan.
“So, alam ko ‘yung laro. So, basta wala lang lokohan. If you are just content of maybe you want 50,000 and you are able to get something like 25 or 20, be content. Be — do not allow your greed to run away with all the — alam mo na, kalokohan. So, ‘yan lang akin. Hindi ko kayo iipitin,” sabi pa ng pangulo.
“Well, basta kung bigyan kayo, eh, tanggapin ninyo. It is not bribery because — it cannot be bribery because it is allowed by law. What I mean if there is generosity in them, sabi ng anti-graft you cannot accept gifts. Kalokohan ‘yan,” saad pa ng Punong Ehekutibo.





Comments