Prank calls sa 911, kulong at multa ang kapalit
- Ryan B. Sison
- Aug 10, 2019
- 1 min read

MARAMING Pilipino ang kulang sa kaalaman pagdating sa paghingi ng saklolo sa oras ng aksidente, krimen at iba pa.
Gayunman, nais nating ipaalam sa lahat na ang emergency hotline na 911 sa bansa ay libre na umano sa ilang Telecommunications Company.
Samantala, ipinaaalala natin sa lahat na hindi porke libre na ang pagtawag ay gagamitin na ito para makapanloko, partikular na ‘yung mga mahilig mang-goodtime na wala sa lugar.
Pero, kung may mahuhuling nanloko o nagsagawa ng prank calls, meron itong kaakibat na parusa mula sa kagawaran.
Kapag napatunayang guilty sa prank calls ang indibidwal, posible siyang makulong nang mahigit limang taon at magbayad ng multang aabot sa P40, 000.
Kaya, kung ayaw ninyong magbayad ng ganu’n kalaking halaga, ilagay sa lugar ang pagbibiro, mga ka-BULGAR!
Dagdag pa rito, sana ay gawin na ring libre ang pagtawag gamit ang ibang mobile networks dahil kaligtasan naman ang nakasalalay dito.
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.




Comments