15-anyos tiklo sa shabu
- Janice Baricuatro
- Aug 10, 2019
- 1 min read

TIMBOG ang 15-anyos na dalagita sa buy-bust operation kasama ang scorer nito sa Bgy. Sapa 1, Rosario, Cavite.
Arestado si alyas Angel, 15, at ang umano’y scorer nitong si Allan Carino, 37, residente ng Bgy. Pasong Camachile 1, Gen. Trias City.
Ayon kay PSSg. Ellezer Tagalog, nakatanggap sila ng impormasyon na may magaganap umanong bilihan ng droga sa nasabing lugar.
Alas-12:30 ng hatinggabi nang isa sa mga pulis ang nagpanggap na scorer at sumabay sa bilihan ng dalagitang suspek at kostumer nito.
Nang magpositibo ang abutan, dito na dinakma ang dalawang suspek.
Nakuhanan ito ng walong sachets na naglalaman ng shabu na may halagang P2,000 pataas at ilang drug paraphernalias na may mga bakas pa ng pinaggamitan ng shabu.





Comments