top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Pagkagunaw na raw ng mundo ang kasunod... PALATANDAAN NA THE BIG ONE NA ANG LINDOL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 9, 2019
  • 2 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Ma­ria Lourdes ng Lour­des _Delos_Santos@facebook. com

Dear Señor,

May nakausap ako at ang sabi niya, magugunaw na raw ang mundo. Ang mga palatandaan daw ay nararanasan na natin at lindol ang isa sa mga sen­ya­les sa pagwawakas ng sanlibutan. Totoo ba ‘yun?

Naghihintay,

Maria Lourdes

Sa iyo Maria Lourdes,

Alam mo, iha, noon pa man ay may lindol na, pero ang mundo ay nananatiling mun­do, kumbaga, hindi na ba­gong balita ang pagkaka­roon ng lindol sa iba’t ibang lugar.

Totoo ang sinabi sa iyo na bago ang pagwawakas ng panahon ay magkakalindol at ang lindol na ‘yun ay hin­di pa nangyayari o nararana­san sa mundo. Kaya lang, libu-libong taon na nang isi­nulat ito at hanggang nga­yon, hindi pa nangyayari ang nasabing lindol.

Tiyak na napakalakas ng lindol na sinasabing palatan­daan sa pagwawakas ng mun­do. Kaya kung ang nasa isip mo ay ang sinasabing ‘The Big One’, hindi pa rin ito ang nakasulat.

Ayon sa mga eksperto, ang The Big One ay may la­kas na intensity 8 o higit pa. Mahina ito kung ikukum­para sa lindol na maaaring maka­pagwakas sa mundo kaya malabo itong magu­naw.

“Duck, cover and hold”, ito ang dapat gawin kapag may lindol at huwag mag-pa­nic, gayundin, mag-stock ng pagkain para hindi magu­tom habang hindi pa naire-rescue.

Dapat ding magkaroon ng helmet ang bawat isa upang maging proteksiyon sakaling mabagsakan ng de­bris, ipinapayo rin na bumili o gumawa nang matibay na lamesa dahil mainam itong taguan sa oras ng lindol.

Bukod pa rito, dapat mag­karoon ng ilang recharge­able flashlight na magaga­mit kapag nawalan ng suplay ng kuryente, gayundin, ang posporo o lighter. Huwag mong kalimu­tang magtabi ng tubig dahil sigu­radong ma­gagamit ninyo ito.

Sa susunod na isyu, ipa­aalam natin sa ating mga ka­abayan, partikular sa mga taga-Metro Manila kung pa­ano makaliligtas kapag tu­maas ang intensity ng lindol.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page