top of page
Pokwang.jpg

P150-M budget sa pagpapatayo ng sports school

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 9, 2019
1 min read

MAGKAKAROON na rin ng eskuwelahan para sa mga magiging world champion sa sports.

Isu­long ni Sen. Chris­topher ‘Bong’ Go, chairman ng Se­nate Committee on Sports, ang Senate Bill No. 397 na la­yuning magtatag ng pa­ara­­lang magde-develop sa mga high school student sa larangan ng sports.

Layon umano nitong ma­ibalik ang pagiging ‘sports powerhouse’ ng bansa sa Asya tulad noong Dekada 70 at 80 para makapag-uwi ng mga medalya ang mga atle­tang Pinoy sa iba’t ibang in­ternational competitions.

Tatawagin ang naturang paaralan na National Aca­emy of Sports for High School (NASHS) na itatayo sa New Clark City sa Ca­pas, Tarlac at may inisyal na pondo na P150 milyon na manggagaling sa National Treasury at sa Government Appropriations Act (GAA).

Ang mga kabataang may ang­king galing sa anumang la­rangan ng palakasan at nag­papakita ng kakaibang hilig sa sports ay kuwalipi­kado.

Libre ang pag-aaral na may allowance at ‘stipend’ na ibibigay ang gobyerno sa mga deserving student. Sa mga hindi qualified sa scho­larship grant pero, gustong mag-aral sa nasabing paara­lan para mahasa sa isang sport ay maaari pa ring tang­gapin subalit, magbabayad ng minimal na matrikula.

Ang itatayong paaralan ay kumpleto sa pasilidad tulad ng 20,000-seater athle­tic stadium, 2,000-seater na aquatic center o swimming pool area, athletes’ village, bikeways at jogging tracts. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page