top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Namatayan ng asawa | MISTER TUMALON MULA 28TH FLR. NG BUILDING

Gina Pleñago
Aug 9, 2019
1 min read

HIMALANG nabuhay ang isang Japanese makaraan umanong tumalon mula sa ika-28 palapag sa gusali sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Makati Medical Center si Anri Saito, 39, pansamantalang nanunu­luyan sa Mosaic Building sa Trassierra at Aguirre Sts., Le­gaspi Village, Bgy. San Lo­renzo.

Ayon sa ulat ni Col. Rogelio Simon, naganap ang insidente sa inuupahang unit ng biktima, alas-8:55 ng gabi. Tumalon umano ito mula sa ika-28 palapag ng gusali na bumagsak sa ika-24 palapag.

Sa pahayag ng roommate nitong si Rado Omari, 45, isa ring Japanese, maaaring labis na depresyon sa bigla­ang pagkamatay ng asawa kaya nito nagawang magpa­kamatay.

Isinugod ng Bgy. San Lo­renzo Rescue ang biktima sa nasabing pagamutan upang malapatan ng lunas. Ang biktima at si Rado ay nag-check-in sa nasabing unit nitong Agosto 3 at naka­takdang mag-check­out nga­yong araw.

Samantala, isinailalim sa kustodiya ng pulisya si Oma­ri matapos siyang ga­wing person of interest.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page