top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nag-overtake, kuliglig sapol | MAG-AMA TODAS SA PICK-UP

  • Jeff Tumbado
  • Aug 9, 2019
  • 1 min read

UTAS ang mag-ama nang salpukin sila ng pick-up habang sakay ng kanilang ku­liglig sa Calamani­ugan, Ca­gayan, kamakalawa ng gabi.

Kapwa binawian ng bu­ay habang ginagamot sa District Hospital ang mag-amang sina Inocencio Fer­­min, Sr., 63, at Inocencio, Jr., 21, ng Bgy. Fula, Buguey.

Nasa malubha namang kalagayan ang iba pang sakay ng kuliglig na sina Prince Jay Columna at Juliet Miranda.

Ayon kay Police Lt. Ma. Teodora Cabral, nag-over­take umano ang driver ng pick-up na si Ernesto Rabit, Jr., sa isang sasakyan sa ba­hagi ng national highway ng Bgy. Cullit.

Gayunman, hindi na uma­no nagawang bumalik sa linya si Rabit at sumal­pok sa kasalubong na kulig­lig na nasa kabilang linya.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na naha­harap sa kaukulang kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page