Misis, nilait sa sablay na birit, todo-patol sa netizen… OGIE, PROUD KAY REGINE, KUMAKANTA RAW PARA

HINDI napigilan ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na sagutin ang isang basher niya na nagsabing nakakahiya siya dahil hindi niya naabot ang high notes sa kantang On the Wings of Love na inawit niya sa ASAP Natin ‘To: Bay Area.
Ipinost ni Regine ang screenshot ng mensahe ng basher na ganito ang nakasaad: “I watched your prod with the Divas. You sang On the Wings of Love and you did not hit the right note. For thousands of Filipinos who paid their tickets coming from their hard-earned money yet you gave them that performance. Nakakahiya ka! Finale ka pa! ‘Di mo naman maabot! Pweh! ‘Wag ka na lang kumanta!”
Sa isang mahabang caption ay mapagkumbabang sinagot ni Regine ang basher.
“Wow! Natawa lang ako. I guess kasalanan ko rin naman kasi kahit madaling kanta, pinapahirap ko. So ‘pag hindi ko binirit, disappointed na ang ibang mas mataas pa sa boses ko ang expectations.
“Alam mo, iba-iba ang bawat pagkanta, minsan depende sa kondisyon ng katawan at boses ng isang mang-aawit ang kalalabasan ng kanyang performance.
“Pero tama ka, NO excuses pinaghirapan n’yo ang perang ipinambayad n’yo para manood. So, you guys deserve only the best. At alam naming lahat ‘yan kaya naman kahit may sakit, walang boses, nakipag-break sa jowa, namatayan ng pet at kung anu-ano pa man, we always give our best 101 percent.
“But unfortunately, we still managed to disappoint some of you.
“Sa maniwala kayo o hindi, bago n’yo pa na-decide na disappointed kayo.... super disappointed na kami sa mga sarili namin. To the point of blaming ourselves for getting sick or not practicing enough or not being able to sleep working so hard or not eating enough or in my case eating too much.
“And the emotional battle we all have inside... Why didn’t I do this, sana ginalingan ko pa, sana nag-practice pa ko... but again, no excuses. We all do what we do because we all love to entertain all of you.
“Natutuwa kami na sa maikling panahon na pagsasama natin, napatawa, napaindak, napasayaw, napaiyak, napa-in love namin kayo. Na sa maikling panahon, nakalimutan nating lahat na may kani-kanya tayong pinagdaraanan.
“But thank you for letting me know that I was so bad, I will do my best next time. Kasi lagi namang may next time, laging may next time to redeem myself. ‘Yan naman ang maganda sa life, laging may next time. God bless.”
Sa comments section ay nag-iwan naman ng napakagandang mensahe si Ogie Alcasid para sa kanyang asawa.
“My love, we are always proud of you because you sing to the one who gave you the voice. You honor Him with what you have and you give it your all. He in return never judges and will never put us down because in His eyes we are exceptional. You are #exceptional, my love @reginevalcasid,” ang mensahe ni Ogie sa misis.





Comments