Mga cong., oks lang na walang tulugan ‘pag datung ang usapan
- BULGAR

- Aug 9, 2019
- 1 min read

WALANG tulugan!” Handa raw ang mga mambabatas na magdoble-kayod para sa deliberasyon ng panukalang P4.1 trilyong 2020 National Budget.
Kahit Huwebes at Biyernes, magtatrabaho sila para mabilis na matapos ang panukala. Ready daw silang magtrabaho kahit sa labas ng Batasang Pambansa.
Batay sa draft budget calendar ng House Committee on Appropriations, maaaring hanggang Agosto 15 ay isusumite ng Malacañang sa Kongreso ang National Expenditure Program (NEP) at iba pang budgetary documents na isasalang sa kanilang paghimay.
Ngayong Agosto 22, tinatayang mapasisimulan ang budget committee deliberations hanggang sa Setyembre 9. Bago mag-Oktubre 4 o ang session break (Oktubre 5) ay balak na pagtibayin sa 3rd at final reading ang 2020 General Appropriations Bill (GAB). Mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 8 naman ipinatatakda ang bicameral conference committee meetings.
Inaasahang mararatipikahan ang proposed budget sa Disyembre 19 upang kinabukasan ay mapapirmahan na kay Pangulong Rodrigo Duterte. Kaugnay nito, umaasa tayo na maayos na maipamamahagi ang pambansang pondo, diretso sa kapakinabangan ng taumbayan at hindi sa ‘bulsa’ ng mga korup.
Kaya kung totoo man ang ulat na may naisingit umanong mahigit P35 bilyong pork barrel sa nasabing panukalang pondo, dapat itong talupan!








Comments