Ex-GF ni Jimuel, palaban… HEAVEN, HINIPUAN NG MATANDANG LALAKI, SINIKO SA MUKHA
- BULGAR

- Aug 9, 2019
- 2 min read

PALABAN pala ang Kapamilya star na si Heaven Peralejo dahil naikuwento niya sa Kapamilya morning show na Magandang Buhay, na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, kung paano siya nag-react nu’ng minsang may nanghipo sa kanya.
“Siniko ko sa mukha ‘yung nanghipo. Ipinaglaban ko rin naman po, eh. ‘Yun ang sabi ng mom ko, na gamitin ko ‘yung self-defense na natutunan ko. Tapos kinonfront na namin,” lahad ni Heaven sa Magandang Buhay.
Matanda at may pamilya ang lalaking nanghipo kay Heaven.
“Kasi sasabihin ng mga guys na baka dahil sa damit kung bakit ka, kaya nangyari ‘yun. Hindi po, eh. ‘Yun na nga po, eh, naka-leggings (ako). For me, wala po talaga ‘yun sa damit. Kasi, no one should dictate on how you wear your clothes din po. Kasi you are your own person.”
Sey ng Magandang Buhay host na si Karla Estrada kay Heaven, “Palaban ka rin ba pagdating sa pag-ibig? Kumusta na kayo ni Jimuel Pacquiao?”
“Uhm, sabi po kasi ng mom ko, lagi ko pong isinasaisip ‘yung advise ng mom ko, eh, ‘Ah, don’t ever let anyone make you feel that you are not enough, because you are.’ And when that happens po, it’s time to let go. ‘Yun po,” nakangiting sagot ni Heaven.
Diretsahang tinanong ulit ni Karla si Heaven, “So, wala na kayo ni Jimuel, ‘Nak?”
Ani Heaven, “Tanungin na lang po ninyo siya. Hahaha!”
Kasunod nito ay nagsalita ang isa pang host ng Magandang Buhay na si Melai Cantiveros.
Aniya, “Pero siyempre, alam na natin na sa ganoon pa lang na sagot ni Heaven, alam na natin kung ano talaga. But yes, Heaven, you are enough.”
‘Yun na!





Comments