Dumura, nadulas | LALAKI NAHULOG MULA 2ND FLR. NG BAHAY, DEDBOL

TULUYAN nang binawian ng buhay ang isang mister habang ginagamot sa ospital matapos mahulog sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa Bgy. Aluyon, Burdeos, Quezon.
Pasado alas-12:00 ng hatinggabi, umakyat sa ikalawang palapag ng kanilang balkonahe ang biktimang si alyas Gerry upang dumura. Sa hindi inaasahang pangyayari, bigla umano itong nadulas hanggang sa mahulog at tuluyang nabagok.
Agad siyang dinala sa ospital ng kanyang anak at hipag ngunit, binawian din ito ng buhay.





Comments