top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

DOH, nagdeklara na ng “national dengue epidemic”

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 9, 2019
2 min read

MULA Enero ngayong taon, umabot na sa 622 katao ang namatay mula sa146, 062 na tinamaan ng dengue sa bansa. Ito ang datos mula sa Department of Health (DOH) na nagpapakitang seryoso ang sitwasyon kaya naman nagdeklara na ng “national dengue epidemic”.

Halos 100 porsiyento ang itinaas na bilang ng kaso kumpara noong nakaraang taon. Maaaring tumaas pa ang bilang ng mga kaso ngayong Oktubre kaya pinag-iisipang ibalik ang Dengvaxia. Gayunman, tiniyak na masusi itong pinag-aaralan ng administrasyon para hindi maulit ang mga pagkakamali noon pero, ano ang mga pagkakamaling ‘yun?

Ang Sanofi Pasteur ang maa­aring sisihin dahil sa nahuling babala nito hinggil sa paggamit ng Dengvaxia, hindi ang bakuna mismo. Kung pinag-iisipang ibalik ang Dengvaxia sa bansa, hindi ba, ibig sabihin ay maaaring pagka­tiwalaan ang bakuna?

Aprubado sa Amerika ang Deng­vaxia, kailangan lang sumunod sa patakaran bago ito ibigay sa pasyente. Kaya naman naniniwala tayong malaking porsiyento ng mga nabigyan ng Dengvaxia ang may proteksiyon na mula sa dengue.

◘◘◘

Kulang sa ebidensiya, ito ang dahilan ng pagbasura ng Sandigan­bayan sa kaso laban sa mga Marcos. P102 bilyon ang halaga na mapu­punta sa gobyerno kung matutuloy ang kaso.

Nalungkot daw ang korte na inabot ng 30 taon bago nagkaroon ng desisyon, pero sa panahong ‘yun ay kulang pa rin ang ebidensiya ng prosekusyon.

Mukhang tuluy-tuloy na ang magan­dang kaganapan sa Pamilya Marcos. Ang mga magagandang bagay na ito ay naganap sa ilalim ng administrasyong Duterte na alam naman nating lahat na malaki ang pag-iidolo ng pangulo sa dating diktador.

Sa ngayon ay hindi na makukuha ng gobyerno ang nasabing kayamanan na maibibigay sana sa mga biktima ng Martial Law. Nakapanghihinayang na sa tagal ng panahon, nagwagi pa rin ang Pamilya Marcos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page