Delivery agent, hinoldap ng riding-in-tandem
- Maeng Santos
- Aug 9, 2019
- 1 min read

TINUTUKAN ng baril saka tinangay ang nasa P135,000 cash sa isang delivery agent ng Master Siomai ng hindi kilalang riding-in-tandem sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Sa pahayag ni Roberto Nocomora, Jr., 28, ng Bgy. Dampalit kina Malabon Police Investigators PSSg. Richard Andrew Calaycay at PSSg. Ernie Baroy, alas-9:41 ng gabi nang dumating siya sa harap ng Master Siomai Garage sa Bgy. Ibaba at nagpasya itong bumili ng sigarilyo sa kalapit na tindahan.
Dumating ang mga suspek na kapwa naka-full face helmet habang sakay ng motorsiklo saka tinutukan ng baril sa ulo ang biktima at nagpahayag ng holdap.
Hindi nakapalag ang biktima nang sapilitang kunin ng mga suspek ang kanyang sling bag na naglalaman ng nasabing halaga, iba’t ibang IDs at personal na pera na P5,000.





Comments