Babala sa mga mamimili! Mga produktong pampabyuti at pampaseksi na hindi aprubado ng FDA, nagkalat!
- Ryan B. Sison
- Aug 9, 2019
- 1 min read

SINO ba ang hindi nagnais na gumanda, pumuti at maging sexy?
Siyempre, kung may mga paraan, bakit hindi susubukan kung kaya naman?
‘Yun nga lang, sa dami ng mga nagtitinda ng pampapayat, pampaputi, pampaganda at kung anu-ano pa, hindi na natse-check ng ating mga kababayan kung peke ba ito dahil nasisilaw na rin sila sa murang hala$ga.
Gayunman, nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) hinggil sa mga brand ng slimming coffee, ginger tea at turmeric powder na hindi umano aprubado ng ahensiya, pero malayang naibebenta.
Base sa post market surveillance ng FDA, walang certificate of registration ang naturang mga produkto kaya ang pag-manufacture, importation, exportation, sale, distribution, transfer, non-consumer use, promotion, advertising o sponsorship ng naturang mga produkto ay ipinagbabawal.
Kaya, para hindi mapahamak, ang panawagan natin sa lahat, maging aware tayo sa mga binibili natin, unahin ang kalidad at kaligtasan kaysa sa inaakala nating kagandahan at kaseksihan na maidudulot nito sa atin dahil hindi natin alam, baka ito pa pala ang makasama sa ating kalusugan at pangangatawan.
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.





Comments