At least, lucky sa naging mister... BYUTING AKTRES, DUMAAN SA SINGER, BASKETBOLISTA, BUSINESSMAN AT
- Erlinda Rapadas T.
- Aug 9, 2019
- 1 min read
BLIND ITEM:
MABAIT, ma-PR sa press at respetado ng lahat ang isang magaling at maganda pa ring aktres. Maraming nanligaw sa kanya at may mga nakarelasyong aktor ang may sweet image na aktres.
Hindi naging kontrobersiyal ang love life ng pamosong aktres, pero alam na alam ng mga taong malalapit sa kanya ang mga itinatago niyang sikreto sa buhay, lalo na sa aspeto ng kanyang love life.
Kung kani-kaninong aktor siya iniuugnay noon pero nalulusutan niya dahil nga ang katwiran niya, bahagi lang ng kanyang showbiz career ang lahat. Bukod sa mga aktor na kanyang nakarelasyon, meron ding singer, basketball player, businessman at pulitiko.
Sadyang napakakulay ng love life ng respetadong aktres pero ni minsan, hindi nabilad sa publiko ang kanyang personal na buhay. Napakaingat kasi niya at mahusay magtago ng sikreto. Tanging ang kanyang mga P.A. lang ang nakakahalata kung type niya ang isang manliligaw. Ang mga P.A. na ang nagtatakip at gumagawa ng paraan upang hindi mabisto ang lihim ng magaling na aktres.
Pero, dumating din sa buhay niya ang isang pulitikong bumago sa status ng kanyang buhay. Mas nag-level-up ang status ng respetadong aktres dahil sa pulitikong nakarelasyon. Kaya wala nang mahihiling pa sa buhay ang maganda at premyadong aktres dahil lucky na siya.





Comments