top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Anakbayan at iba pang “front” ng mga komunista, kidnapping na ang bisyo ngayon!

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 9, 2019
3 min read

DESPERADO na ang mga komunistang or­ganisasyon tulad ng Anakbayan. Nandudukot na ito ng kabataan, nilalason ang kanilang utak sa pamamagitan ng mga propaganda para ma-recruit ang mga ito sa kanilang kriminal na gawain.

Ano ang intensiyon ng mga komunista? Wa­lang iba kundi ang pabagsakin ang demok­rasya para makaagaw sila ng kapangyarihan.

Walang may gustong sumali sa mga gru­pong ito. Marami sa kanilang miyembro ang na­tauhan nang nakitang iligal at puro krimina­lidad ang kanilang mga ginagawa tulad ng pagpatay ng tao at pag-extort ng pera mula sa mga negosyante.

Kaya kabataan ang kanilang tina-target nga­yon para sumama sa kanilang rally at protesta na kalaunan ay mamumundok at magiging miyembro na ng New People’s Army (NPA).

Alam natin ang kahihinatnan kapag naging NPA ang bata, napapatay o nahuhuli agad ang mga ito at nakukulong. Kaawa-awang kaba­taan!

Hindi pa buo ang kanilang isipan, lalo na at karamihan sa kanila ay menor-de-edad. Kulang pa sa dunong at karanasan kaya madali silang na­loloko ng mga propaganda ng mga komu­nista.

Kunwari ay para sa bayan ang mga ipinag­lalaban nila, pero ang totoo, gusto nilang pabag­sakin ang gobyerno.

Noon, ang mga magsasaka sa probinsiya ang kinukuha ng mga komunista, ngayon ay sa eskuwelahan na sila naglilibot at naghahanap ng mga target.

Kabilang ang University of the Philippines (UP-Diliman, Los Baños at iba pa), Polytechnic University of the Philippines (PUP), Far Eastern University (FEU) at University of the East (UE-Manila) sa mga unibersidad na madalas napapa­balita kung saan nakapagre-recruit ng mga bagong miyembro ang mga komunista.

Ayon sa kapulisan, ang mga “front” na Lea­gue of Filipino Students, Anakbayan at iba pang partylist ang mga organisasyon ng Com­munist Party of the Philippines-NPA ang ma­lakas mag-recruit ng mga estudyante.

Pero, hindi lang sa kolehiyo at unibersidad naghahanap ng bagong miyembro ang mga ito kundi maging sa high school, may gatas pa sa labi ang mga estudyante, tuturuan na nila kung paano humawak ng baril at pumatay ng tao, wala talagang patawad!

Kamakailan ay dumalo sa Senate hearing ang mga magulang ng limang estudyante na na­­wawala matapos makidnap diumano ng mga kaliwang organisasyon.

Nakadudurog ng puso ang testimonya ng mga ina ng mga kabataang naging komunista sa pagdinig na ginawa ng Senate Committee on Public Order and Dangerous drugs sa pa­ngunguna ni Sen. Ronaldo “Bato” dela Rosa.

Ayon kay Jovita Antoniano, ina ng estud­yanteng taga-PUP, mabait at masunurin ang kanyang anak. Nagbago raw ang ugali nito matapos sumali sa kaliwang grupo. “Wala akong idea kung nasaan ang anak ko. Hindi namin alam kung saan lalapit dahil wala kaming communication,” sabi ni Gng. An­toniano.

Ayon naman kay Relissa Lucena, ina ng estudyanteng taga-FEU na mangiyak-ngiyak din habang ikinukuwento kung paano nag-iba ang ugali ng kanyang anak na babae matapos sumali sa Anakbayan, sinabihan daw niya itong huwag sumali dahil delikado, pero walang epekto dahil ayaw sumunod ng bata at hindi na rin umuuwi ng bahay.

“Lumuhod ako sa anak ko. Sabi ko, anak, hindi ko alam ‘yang mga ganyan. Anak, ayusin natin.’ Sabi niya, hindi, kalaban na raw ako. Isipin ko raw, wala na akong anak.”

“Nag-iwan siya ng sulat.‘Yung sulat na iniwan niya sa akin, ang sama, dinurog niya ang puso ko to the point na sinukat ko rin ‘yung pagkananay ko. Halos mag-commit ako ng suicide,” sabi ni Gng. Lucena.

Samantala, sa reklamo ng mga magulang ay nagsampa ng kaso ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa ilang miyembro ng Anakbayan at iba pang grupo.

Ang demanda ay inihain sa Department of Justice (DOJ) laban sa mga miyembro ng Anak­bayan na sina Charie del Rosario, Bianca Gacos, Jayroven Villafuente Balais at Anakbayan Na­tional President Vencer Crisostomo at Anakba­yan Secretary-General Einstein Recedes.

Kinasuhan ang mga ito ng kidnapping at paglabag sa mga batas tulad ng Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act at iba pa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page