‘Di na pupunta sa barangay | EXPRESS LANE OPERATION PARA SA BUSINESS PERMIT

INILUNSAD kahapon ang Project Express Lane Operation (ELO) 2.0 sa Parañaque City, na kauna-unahang lokal na pamahalaan sa buong bansa na sumunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte upang pabilisin ang proseso ng pagre-release ng mga permit at lisensiya.
Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, kasama sa Project ELO 2.0 ang unang computerized occupational permit system ng bansa na bahagi ng nagpapatuloy na automation program.
Ito ang unang local government unit na naisama na ang barangay business clearance sa kanilang BOSS (One Stop Shop) operations sa city hall para sa pangkalahatang pagtalima sa RA 11032 o Ease of Doing Business Act.
Kaugnay nito, hindi na kailangan ng mga may-ari ng negosyo na magtungo sa barangay para mag-apply ng barangay clearance.
Ayon kay Atty. Melanie Malaya, pinuno ng Business Permits and Licensing Office, sa ilalim ng proyekto, kailangan lamang punan ng occupational permit applicants ang isang application form na sakop ng work permit, sanitary o health permit at police clearance.
Isa pang kakaibang feature ng Project ELO 2.0 ang Document Management System kung saan ilalagay sa central storage ang mga na-scan na dokumento na maaaring ma-assess anumang oras ng business permit applicants.
Kasama rin dito ang application tracking system na nagpapahintulot sa mga kliyente na i-monitor ang progreso ng kanilang aplikasyon.





Comments