top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Sa pagkamatay ng SAF 44 | MULTIPLE HOMICIDE VS. EX-P-NOY, TULOY

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 8, 2019
1 min read

NAMUMURO umanong makasuhan si dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ng multiple homicide sa halip na graft at usurpation of authority na kasalukuyang kinahaharap nito sa San­diganbayan kaugnay sa pagkamatay ng 44 PNP-Special Action Force sa Ma­ma­sa­pano noong January 2015.

Ito ay matapos tanggalin ng Korte Suprema ang Temporary Restraining Order (TRO) laban sa paglilitis ng kaso sa Sandiganbayan.

Kaugnay nito, maaari na umanong desisyunan ng Sandiganbayan ang mosyon ni Ombudsman Samuel Martirez kung saan binabawi nito ang kasong graft at usurpation na isinampa laban kina Aquino, dating PNP Chief Allan Purisima at dating SAF Director Getulio Napeñas.

Sinasabing nais ni Martirez na mabawi ang mas maba­bang kaso na isinampa laban kina Aquino upang makasuhan sila ng reckless imprudence resulting in multiple homicide.

Una nang umalma ang pamilya ng SAF 44 sa anila’y malabnaw na kaso laban kay Aquino na isinampa noong pana­hon ni retired Ombudsman Conchita Carpio Morales.

Matatandaan, na ang naturang TRO ang humarang para mabasahan ng sakdal si Aquino. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page