top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mga kapitan at pulis na kukunsinti sa mga vendor, strike 1 lang, tanggal!

Isko Moreno
Aug 8, 2019
1 min read

MALUGOD tayong nagpapasalamat sa ating Department of Tourism (DOT) sa pangunguna ni Sec. Bernadette “Berna” Romulo-Puyat sa kanyang pagdalaw at personal na pagbisita sa ilang mga tourist attractions sa Lungsod ng Maynila at pangakong tutulungan tayo na muling maiahon ang kapitolyo ng bansa.

Nag-ikot kami sa city hall, Intramuros at Luneta, nakita ng ating kalihim ang ilan sa ating mga nagawa at nais pang gawin upang maibalik ang sigla ng turismo sa lungsod.

Bago si Sec. Berna ay nagpunta na rin ang ilan sa mga kalihim at opisyal ng Department of Transportation (DOTr), Department of Trade and Industry (DTI), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Environment and Natural Resources (DENR). Tayo ay natutuwa sa tulong at suporta na kanilang ipinagkakaloob sa ating siyudad.

◘◘◘

Itinutulak natin ang 1 strike policy laban sa mga opisyal ng barangay at kapulisan na patuloy na hinahayaan ang mga vendors at road obstruction.

Dapat magkaroon na ng Basic Law na kapag mayroong ganu’n (obstruction), dapat automatic, administratively liable ‘yung barangay chairman at ‘yung pulis na may hawak sa nasabing lugar.

The best way to do it, basta nag-exist, automatic strike one na! Kapag sinabi kasing testing muna o tikim-tikim lang, lalo lang lilito.

Gayunman, sinang-ayunan ito ng ating kalihim ng DILG na si Sec. Eduardo Año at sana ay magawan agad ito ng paraan sa lalong madaling panahon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page