Mga dapat iwasan ng may hika
- BULGAR

- Aug 8, 2019
- 1 min read

Dear Doc. Shane,
Matagal na akong inuubo, lalo na kapag madaling-araw, sobrang nahihirapan akong huminga. Ang sabi ng nanay ko, baka hika na raw ito kasi nasa lahi namin ang sakit na ito. Posible ba ‘yun? — Belen
Sagot
Ang hika o asthma ay karaniwang kondisyon kung saan nagkakaroon ng paninikip at pamamaga sa daluyan ng paghinga at dahil dito, nakararanas ng pag-ubo at hirap sa paghinga. Minsan, ang pag-atake ng hika ay sagabal sa mga gawain lalo na kung ang mga sintomas na nararanasan ay mas matindi.
Sa ngayon ay wala pang gamot na makapagpapagaling sa mismong hika. Ang tanging nagagawa lang ay kontrolin ang mga sintomas na nararanasan.
Malaki rin ang posibilidad ng pagkakaroon ng hika kapag mayroong history nito ang pamilya.
Ayon sa mga eksperto, bagama’t, wala pang katiyakan kung ano ang sanhi nito, ang tanging malinaw ay mayroong mga nakapagti-trigger dito.
Ang pag-atake ng hika ay maaaring magsimula dahil sa ilang triggers. Ang mga ito ay nagdudulot ng iritasyon o allergic reaction sa daluyan ng paghinga kaya nagkakaroon ng pamamaga at paninikip.
Narito ang ilan sa mga nakapagti-trigger ng hika:
mga allergens tulad ng alikabok, pollen mula sa halaman at balahibo ng hayop.
impeksiyon sa daluyan ng paghinga tulad ng sipon at ubo
sobrang pagod
malamig na hangin
usok mula sa mga sasakyan, sigarilyo at iba pa
mga gamot na iniinom tulad ng aspirin, ibuprofen at naproxen
stress
buwanang dalaw sa mga kababaihan





Comments