Kasama sa inuman | BEBOT, SEX SLAVE NG KAPITBAHAY

ILANG araw umanong ikinulong at pinagsamantalahan ang isang dalaga ng kanyang nakainuman sa Bgy. Inarawan, Antipolo City, Rizal.
Pasado alas-10:00 ng gabi, magkakasama pa ang biktimang si alyas Jenny, nasa hustong gulang at kanyang boyfriend pati ang ibang kaanak sa kanilang kapitbahay.
Kasama rin sa inuman ang suspek na si ‘Melerio’ residente rin sa lugar.
Hanggang sa umuwi para mag-CR ang biktima ngunit, sinundan ito ng suspek.
Pagpasok nito ay bumulaga ang mukha ni ‘Melerio’ saka ikinandado ang pinto.
Tinutukan siya ng patalim at pinagbantaang papatayin kung hindi susunod sa kagustuhan nito.
Hindi pa nakuntento ang suspek, ilang araw niyang ikinulong sa sariling bahay ang biktima at patuloy ang panghahalay.
Hanggang sa matapos ang ilang araw ay iniwan ng suspek ang biktima.
Sa tulong at agarang aksiyon ng pulisya, nasakote ang suspek sa kanyang pinagtataguan.





Comments