top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Higit 1 milyon mawawalan ng trabaho, apela kay P-Digong | STL, IBALIK

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 8, 2019
1 min read

KASABAY ng pagsu­porta kay Pangulong Rod­rigo Duterte sa ginawang pag­lilinis sa korupsiyon sa hanay ng Philippine Charity Sweep­stakes Office (PCSO), uma­pela ang Association of STL Agents of Visayas-Minda­nao na ibalik na rin ang ope­rasyon ng STL.

Anila, kung tuluyang ipa­­sasara ang 100 sangay ng STL, mahigit isang milyong empleyado ang mawawalan ng trabaho at darami ang mga iligal na gawain at sugal.

Maaari rin anilang ma­-apektuhan ang revenue ng PCSO sa pagkakahinto ng STL sapagkat malaki rin ang halagang iniaambag nito ha­bang ang mga iligal ay wala umano kahit singko.

Nais din nilang ipabatid sa pangulo at sa publiko na sila ay mga korporasyon na su­musunod sa lahat ng pata­karan, walang kakulangan sa remittance at walang usaping legal, judicial at technical sa PCSO.

Sumailalim umano sila sa tamang proseso ng biding at pagkuha ng prangkisa.

Iginiit din ng grupo na wala silang hininging pabor o konsiderasyon sa kahit ka­nino sa loob ng ahensiya.

Samantala, binigyan-diin ng aso­sasyon na kaisa sila ng pa­ngulo at ng PCSO sa pag­ha­­hatid ng mga serbisyo, chari­table works, proyekto at pro­g­ramang nakakatulong lalo’t higit sa maliliit na kababayan sa buong bansa. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page