Estudyante timbog sa marijuana
Pabs Hernandez III
Aug 8, 2019
1 min read
MOUNTAIN PROVINCE — Isang estudyante ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya nang makumpiskahan ng marijuana kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Bontoc sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Kevin Lhar Aguila, 18-anyos, nakatira sa Bgy. Tuktukan, Taguig City.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 10 pakete ng marijuana sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Aguila na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments