Anak ni Pacquiao, kaya raw iniwan…HEAVEN, KUMANTANG 'DI NAKUNTENTO SA KANYA SI JIMUEL
- BULGAR

- Aug 8, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

SAMANTALA, tila kinumpirma na ni Heaven Peralejo ang breakup nila ni Jimuel, ang anak ng boxing champion at senator na si Manny Pacquiao.
Sa guesting ni Heaven sa Magandang Buhay kahapon, natanong siya sa totoong estado ng relasyon nila ni Jimuel. Dito na sinabi ng young actress ang tungkol sa pagle-let go niya.
Aniya, “Sabi po kasi ng mom ko... ‘Don’t ever let anyone make you feel that you are not enough because you are (enough).’ And when that happens po, it’s time to let go.”
Nang matanong naman kung break na talaga sila, “Tanungin n’yo na lang po siya,” ang naging sagot ni Heaven.
March, 2019 nang kumpirmahin ng dalawa ang kanilang relasyon at June nagsimulang kumalat na break na sila matapos nilang i-unfollow ang isa’t isa sa Instagram, na sinundan pa ng paglalabas ni Heaven ng vlog kung saan tinawag niyang “ex” si Jimuel.





Comments