6 yrs. kulong at multa sa gumamit ng expired na lisensiya
- BULGAR

- Aug 8, 2019
- 1 min read
Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Nais kong malaman kung ano ang parusa sa mga taong gumagamit ng kanilang expired na lisensiya bilang “Marine Deck Officer”? Mayroon kasi akong kilala na gumagawa nito at alam kong mali ito. — Hans
Dear Hans,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Republic Act (R.A.) No. 8544 o mas kilala sa tawag na “Philippine Merchant Marine Officers Act of 1998”. Nakasaad sa Section 35 nito na:
“Section 35. Penal Provision. A fine of not less than twenty thousand pesos [P20,000] nor more than one hundred thousand pesos [P100,000] or imprisonment for a period of not less than one [1] year nor more than six [6] years or both such fine and imprisonment, at the discretion of the court shall be imposed upon:
xxx xxx xxx
[d] Any person who shall use a revoked or suspended certificate of registration and/or invalid or expired professional license.” (Binigyang-diin)
Ayon sa nasabing batas, ang sinumang gumamit ng revoked o suspendidong Certificate of Registration at/o hindi balido o expired na lisensiya ay maaaring maparusahan ng multa na hindi bababa sa P20,000 hanggang P100,000 o pagkakakulong ng isang taon hanggang anim na taon. Maaaring maipataw ang parehong kaparusahan batay sa diskresyon ng korte.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments