top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

2 miyembro ng MILF tinodas sa gas station

Jeff Tumbado
Aug 8, 2019
1 min read

TODAS ang dalawang hinihinalang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) makaraang tambangan ng hindi nakilalang lalaki sa isang gas station sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Ayon kay Police Lt. Col. Rey Egos, kinilala ang mga nasawi na sina Sangutin Musil alyas Commander Jerry Amino, 53, at Alex Amino Toto, 30.

Tinambangan ang dalawa habang nagpapagasolina sa AB Gasoline Station sa Alunan Highway.

Natukoy na mga miyembro ng MILF ang dalawa batay sa nakuhang mga identification card (ID) mula sa kanila.

Lumabas sa paunang pagsisiyasat na sakay ng kotse ang dalawa nang dumating ang nag-iisang suspek sakay ng motorsiklo at pinagbabaril sila.

Pinaniniwalaang rido o away-pamilya ang motibo ng pamamaslang ngunit, patuloy pa ring sinisiyasat ng pulisya ang insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page