top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

PCUP, bukas sa suhestiyon para sa mga batas na makakatulong sa mahihirap

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 7, 2019
  • 2 min read

ISA sa mga mandato ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ay mailapit ang mga hinaing ng maralita sa pamahalaan at masiguro na kabilang sila sa pagbubuo ng mga polisiya na direktang makaaapekto sa kanilang sektor.

Tanong: Sir Alvin, puwede ba kaming mga urban poor na magpasa sa inyo ng recommendation para maging polisiya o batas? Salamat! — Aries

Sagot

Bukas ang ating tanggapan kung mayroon kayong irerekomendang polisiya tungkol sa mga isyu ng maralitang lungsod.

Para maisama ang inyong rekomendas­yon sa susunod na Commission en Banc ng PCUP, maaari tayong magpasa ng policy position paper sa ating opisina o sa mga area coordinators na nakatalaga sa inyong lugar.

Ang inyong policy proposal ay dapat naglalaman ng mga sumu­sunod: (1) titulo, (2) executive summary, (3) problem description, (4) policy options, (5) policy recommendations at (6) appendice. Kalakip nito ang inyong buong pangalan, organisasyon, pirma at contact details.

Kahit sino ay maaaring magpasa ng policy paper basta ang isyu ay direktang makaaapekto at makaka­benepisyo sa mga urban poor.

Kapag naisumite na ang nasabing dokumento, higit pang pag-aaralan ito ng PCUP kung ipapasa o hindi ang inyong rekomen­das­­yon. Kung ito ay pasa­do na sa en banc, ipatutu­pad natin ito sa ating ahen­si­ya at maaaring iendorso sa tanggapan ng pangulo para sa karagdagang pag-aaral.

Basahin nang higit ang Commission Resolution No. 04-2013 ng PCUP para sa kumpletong guidelines ng pagpasa ng policy paper.

Kung kayo ay mayroong katanungan, suhestiyon o ihihingi ng tulong, maaari kayong magtungo o sumulat sa PCUP Central Office, 4th flr. DHC Bldg., 1115 EDSA, Project 7, Quezon City o mag-email sa pcup.media2019@gmail.com o mag-message sa ating Facebook page na @PCUPOfficial.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page