Para makaiwas sa nakamamatay na dengue... IBA‘T IBANG HALAMAN NA KINATATAKUTAN NG MGA LAMOK
- BULGAR

- Aug 7, 2019
- 1 min read
Bigyang-daan natin ngayon ang mga kaalaman tungkol sa mga halaman na kinatatakutan ng mga lamok.
Usung-uso ngayon ang dengue at ayon sa balita, malapit nang umabot sa kalahating milyon ang mga taong may dengue sa buong bansa.
Kung hindi ito maaagapan, bago matapos ang 2019, milyun-milyon ang maaaring maging biktima.
Gulung-gulo ang lahat ng ahensiya ng gobyerno, lalo na ang may kinalaman sa kalusugan o DOH, pero maging ang lahat ng local government units ay ganundin, kaya makikitang ang mga barangay ay abala kung paano lalabanan ang dengue na resulta ng kagat ng lamok.
Kaya narito ang ilang halamang kinatatakutan ng mga lamok. Hindi ito magastos kung ikukumpara sa pagpapagamot. Ito rin ay puwedeng subukan ng mga nag-aalinlangan.
Simple lang ang paraan para magamit ang mga halaman, ito ay ilagay sa ilalim ng kama, sa silid-tulugan, bintana o isabit sa pintuan.
Dahil ang mga lamok ay naninirahan sa madidilim na lugar, lalagyan din ito ng ilang dahon.
Puwede rin itong gawing spray kung saan dudurugin ang mga dahon at ihahalo sa maligamgam na tubig at ii-spray sa buong bahay.
Gayundin, ang mga katas ng halaman ay ipapahid sa katawan na parang lotion o kaya ay patutuyuin at gagawing insenso.
Alamin ang mga halamang ito:
1. Alagaw; 2. Sambong; 3. Oregano; 4. Tanglad; 5. Romero o Domero o Rosemary; 6. Citronella; 7. Bawang; 8. Sibuyas
Good luck and God bless!



Comments