National dengue epidemic, idineklara ng DOH | 146,062 NADALE SA DENGUE
- Madel Moratillo
- Aug 7, 2019
- 1 min read

IDINEKLARA ng Department of Health ang national dengue epidemic matapos umakyat sa 146,062 ang kaso ng dengue mula Enero-Hulyo 20, 2019.
Sa nasabing bilang, 622 ang nasawi. Ayon sa DOH, mas mataas ito ng 98% kumpara sa naitala noong 2018.
Batay sa DOH Dengue Surveillance Report, sa Region 6 naitala ang pinakamataas na kaso ng dengue na umabot sa 23,330, sinundan ng Region 4-A-16,515, Region 9-12,317, Region 10-11,455 at Region 12 -11,083 cases. Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, mahalaga ang deklarasyon ng national epidemic para magamit ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang Quick Response Fund sa pagtugon sa mga kaso ng dengue.





Comments