top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

LALAKING BASKETBALL PLAYER, PREGGY?

MC / Alvin Olivar
Aug 7, 2019
1 min read

PINATAWAN ng 2-years ban ang isang basketball player matapos lumabas sa isang drug test na siya ay nagdadalantao.

Si Donell “D.J.” Cooper, Jr. ay American baller na matagal nang naglalaro sa mga international teams ng Greece AEK Athens, France Élan Béarnais at Russia BC Krasny Oktyabr. Pero, natengga ang kanyang paglalaro ng basketball dahil pinatawan siya ng ban ng dalawang taon ng International Basketball Federation (FIBA).

Noong 2014, si Cooper na noo’y edad 23 ay nag-apply bilang player ng Bosnian national basketball team, pero kailangan niya munang magsumite ng urine sample para sa drug test.

Subalit nang lumabas ang resulta, nakitaan ito ng mataas na antas ng human chorionic gonadotropin (hCG)—isang hormone na karaniwang nakikita sa isang buntis na babae.

Inakala ng marami na isa itong kakatwang pangyayari, pero ang totoo pala ay ihi ng nobya ni Cooper ang kanyang isinumite para isailalim sa doping test, ayon sa ulat ng Slovenia national broadcaster RTV.

Hindi rin pala alam ng kanyang nobya na siya ay buntis. Matapos madiskubre ang hCG sample at pandaraya, pinatawan ng FIBA si Cooper ng banned noong 2018 kung saan siya naglalaro sa AS Monaco at idinahilan na lang ang “family reasons” ng kanyang pagliban sa games.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page