top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Lady cop pinasok sa bahay, pinatay

Levi Gonzales
Aug 7, 2019
1 min read

NADISKUBRE ang bangkay ng pulis na babae ng kanyang kaanak sa loob ng bahay nito sa Bgy. Tejero, San Luis, Batangas.

Pasado alas-10:00 ng umaga nang matagpuan ng kaanak nito ang wala ng buhay na si Elyz Marie Coeli Mirano, 31, PNP-NUP, nakatalaga sa Sta. Teresita, Batangas Municipal Police Station.

Nakahandusay ito sa lapag ng kanyang kusina at duguan. Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad para madakip ang salarin at mabatid ang motibo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page