Kris, Angel, Angelica, Paulo, Loisa, Dawn, Gretchen at Claudine, kampi sa aktres… GERALD, PINATUTSAD
- BULGAR

- Aug 7, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

ILANG oras makalipas ang pagpapa-interview ni Gerald Anderson sa nangyari sa breakup nila ni Bea Alonzo, ni-like ng aktres ang isang John Lloyd Cruz meme na may nakasulat na: “Kung magsisinungaling ka, galing-galingan mo!!”
Maraming netizens tuloy ang nagsasabing ito ang mensahe ni Bea sa naging pahayag ng ex-BF niyang si Gerald.
Sa interview ng aktor, sinabi niyang walang third party na involved sa hiwalayan nila ni Bea. Nagbigay din siya ng pahayag sa mga taong nakikialam sa nangyari sa relasyon nila.
Ayon kay Gerald, nais sana niyang maayos nang pribado ang lamat sa relasyon nila ni Bea, ngunit hindi ganoon ang nangyari.
“It’s something I wanted to keep private and sana, maayos namin in private, but obviously, hindi naging ganoon,” pahayag ng aktor.
“Maraming mga opinion and maraming nakikisawsaw. Hindi ko alam na kasama rin pala sila sa relationship ko. It is what it is,” pahayag ni Gerald para sa mga nakikisawsaw sa breakup nila ni Bea.
Marami kasing mga kapwa artista — tulad nina Kris Aquino, Angelica Panganiban, Dawn Zulueta,Paulo Avelino, Angel Locsin, Loisa Andalio, Gretchen at Claudine Barretto — ang nagpahayag ng kanilang pakikisimpatya kay Bea matapos kumalat ang mga litrato ni Gerald kasama si Julia Barretto, ang partner ng aktor sa pelikulang Between Maybes.





Comments