Ikinulong sa bahay, ‘di pinakain | NANAY, 3 ARAW HINOSTAGE

ARESTADO ang dating sekyu makaraang tatlong araw na ikulong sa kanilang bahay ang ina sa Bgy. Bahay Toro, Quezon City.
Kinilala ni Quezon City Police Station Commander Police Lt. Col. Benjamin Gabriel, ang suspek na si Maximo Gomez, Jr., 31, dating security guard.
Alas-9:35 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang mga awtoridad hinggil sa pagkulong sa isang Marcelina Gomez, 67, ng kanyang anak sa bahay ng mga ito.
Sinasabing tatlong araw na nagkulong sa bahay ang suspek na armado ng patalim kasama ang kanyang ina at hindi nito pinakakain.
Agad namang rumesponde ang pulisya at pinaligiran ang bahay ng mag-ina saka kinausap ang suspek na kalaunan ay sumuko rin.
Ligtas namang nasagip ang ginang na gutom na gutom.
Ayon kay Gabriel, inaalam na nila kung gumagamit ng iligal na droga ang suspek.





Comments