Horoscope | Agosto 07, 2019 (Miyerkules)
- Maestro Honorio Ong
- Aug 7, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG AGOSTO 7, 2019 (Miyerkules): Kahit ano ang mangyari sa buhay mo, iisa lang ang kauuwian nito, ginagarantiyahan ng araw na ito ng iyong pagsilang na ikaw ay yayaman.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gumaganda ang takbo ng kapalaran mo. Ito ay kumikilos papunta sa katuparan ng iyong malalaking ambisyon, kaya manatili kang positibo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-10-23-29-34-37-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang mga araw pang darating. Ngayon ang tamang panahon para gawin ang mga binabalak mo na may kinalaman sa dagdag na pagkakakitaan. Muli, ngayon mo na ito gawin! Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-12-17-24-30-35.
GEMINI (May 21- June 20) - Hindi dapat malihis ang atensiyon mo sa kung paano matutupad ang iyong mga pangarap. Nagbababala ang araw na ito na puwede kang talunin ng iyong damdamin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-18-20-24-30-35.
CANCER (June 21- July 22) - Napakalakas ng iyong karisma na maihahalintulad sa tunay na gayuma. Pinag-iingat ka dahil ang mga may pananagutan at wala nang karapatan ay puwede mong magayuma. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-18-22-27-40-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mahina ka kahit sabihin mong malakas ka. Para sa iba, ito ay katuwaan pero, ito ay seryosong bagay. Kaya mo bang layuan ang mga tukso na lumalapit sa iyo? Dapat kayanin mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-23-26-38-41-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Inspired ka ngayon. Mas maganda na ang iyong mga kilos ay itutok mo sa kung paano mapabibilis ang iyong pag-asenso. Ito ay para mas mapakinabangan mo ang magandang araw na ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-16-25-29-43-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Suwerte ka ngayon. Makipagsapalaran ka at ikaw ay mananalo. Lakasan mo ang iyong loob nang sa gayun ay matikman mo ang mga biyayang regalo ng langit sa mga masuwerteng tulad mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-11-13-20-24-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Dagdag na suwerte ang kaloob sa iyo ng langit dahil sa kabutihan na ipinakita mo sa iyong kapwa. Mas marami pang nakalaan sa iyo kapag ipinagpatuloy mo ang iyong kabaitan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-18-22-28-33-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ihanda mo ang iyong sarili sa pagdating ng magagandang kapalaran. Huwag mong kalimutan na nasasayang ang mga suwerte kapag nabubuhay nang wala sa kaayusan ang indibidwal. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-25-28-35-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi makatatanggi sa kahilingan mo ang mahal mo. Kahit hindi maganda ang kanyang reaksiyon, ikaw pa rin ay kanyang pagbibigyan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-13-27-30-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Totoo ang nadarama mo na dumarami ang nagkakagusto sa iyo. Magandang balita ito kung gusto mo silang magamit sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-17-21-26-33-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakagugulat ang kapalaran mo ngayon. Kapag maganda ang tingin mo sa iyong sarili, tiyak na ang mga suwerte ay mapasasaiyo at ito ay mabilis na mangyayari sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-28-30-35-37-41.




Comments