top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

BAYLON, SASABAK SA BAKBAKANG KURASH

  • Gerard Arce
  • Aug 7, 2019
  • 1 min read

KUMPIRMADONG magbabalik-aksyon bilang national athlete si Philippine Judo Legend at 9-time Southeast Asian Games champion John Baylon sa biennial meet sa bansa simula Nobyembre 30-Disyembre 11.

Inamin mismo ng SEA Games veteran na muli siyang sasabak para katawanin ang bansa sa bagong sport na Kurash upang tulungang mapunan ang line-up na kinatatampukan ng mga beteranong national athletes na nanggaling sa Judo.

“Anytime na kailanganin ako ng bansa, eh, always ready ako,” pahayag ng 55-anyos na playing coach sa panayam ng BULGAR. “Alam ko kasi iyong kakulangan ng athletes natin sa Kurash, eh, kaya nagpasabi na ako na pupunan ko ang puwestong bakante sakaling kulangin,” dagdag ni Baylon na head coach din ng national team ng men’s Kata sa Judo.

Tatangkain ng multi-titled national athlete na makuha ang ika-10 gold medal sa SEA Games na nagsimulang magkamal ng ginto noong 1991 Manila Games hanggang 2009 Vientiane Laos habang noong 1999 SEAG ay walang judo event sa Brunei Darussalam. “Excited akong magbalik SEA Games. Walang pressure this time kasi dito gagawin sa bansa at tingin ko malaki ang chance ko, siyempre tayo ang host. Samantalahin na natin ang pagkakataon,” paliwanag ni Baylon na nakuha ring mag-gold noong 2005 SEAG kung saan naangkin ng Pilipinas ang overall title.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page