top of page

Baking soda, epektib sa sobrang magpawis na kilikili

  • Dr. Shane Ludovice, M.D.
  • Aug 7, 2019
  • 1 min read

Dr. Shane M. Ludovice Sabi ni Doc

Dear Doc. Shane,

Namumroblema ako sa labis na pamamawis ng aking kilikili. Kahit bagong palit ako ng damit ay ganu’n pa rin, nababasa agad ito ng pawis. Minsan, nahi­hiya na ako dahil dito. May­roon ba akong ma­aaring gawin o ipahaid dito para matapos na ang problema ko? — Iska

Sagot

Ang pamamawis o pagbabasa ng kilikili ay kondisyon na nararanasan ng maraming tao. Ang tawag dito ay hyperhidrosis.

Gamot sa sobrang pagpapawis ng kili-kili

Makatutulong ang mga sumusunod:

  • Gumamit ng antiperspirant na deodorant. Ito ang pinakasimpleng solution. Hindi lahat ng deodorant ay antiperspirant subali’t, dumarami ngayon ang mga antiperspirant na mabibili sa botika o supermarket. Tingnan mabuti sa produkto kung ito ay antiperspirant. Maaari itong gamitin sa araw at gabi, tiyakin lang na tuyo ang balat bago ito i-spray o i-apply.

  • Iwasan ang madalas na pagkain ng maaanghang. Ito ay nakapagdudulot ng sobrang pagpapawis.

  • Magsuot ng mas maluwang na damit. Mas magandang cotton ang tela ng isusuot na damit.

  • Bukod sa paggamit ng antiperspirant, maaaring subukan ang mga ‘home remedy’ o alternatibong paraan na pagpahid ng baking soda na hinaluan ng kaunting patak ng tubig sa kilikili. Ipahid ang mixture sa kilikili at ibabad ito sa loob ng 20 minuto bago banlawan.

Samantala, kapag ang mga nabanggit ay hindi pa rin tumalab, makabubuti kung magpakonsulta agad sa mga eksperto kung saan maaari silang mag­bigay ng reseta para sa mas malakas na antiperspirant at iba pang maaaring lunas para sa sobrang pamama­wis ng kilikili tulad ng “botox treatment” na isinasagawa ng ilang dermatologists.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page