top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

ALAPAG ASST. COACH SA SMB; BLAZE SPIKERS, NAGPASABOG

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 7, 2019
1 min read

EENTRA si PBA legend Jimmy Alapag sa Game 2 Finals ng 2019 PBA Commissioner’s Cup, mamaya, pero makakalaban niya ang dating team na TNT KaTropa, habang siya ngayon ay nasa bagong team na San Miguel Beer.

May halos 12 seasons na naglaro sa TNT si Alapag at naging matingkad ang kanyang career kung saan 6 na kampeonato ang naiakyat niya bilang player at nang maging team manager siya. Sandali lang siyang naglaro sa Meralco Bolts noong 2015-2016 season bago nagpokus bilang coach.

Tinapik siya ng San Miguel Beer bilang assistant coach ngayong taon at aniya, may mabisa siyang game plan upang mapigilan ang dating team. “It’s business,” ani Alapag sa final series sa TNT. “You know, there’s a job to be done.”

Samantala, tinalo agad ng reigning champion Petron ang wala pang panalo na Marinerang Pilipina sa bisa ng straight sets, 25-12, 25-17, 25-9 sa Philippine Superliga All-Filipino Conference kagabi sa Muntinlupa Sports Center.

Pinagbidahan nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons ang pagdemolis ng Blaze Spikers sa Lady Skippers sa loob ng 78 minuto upang kabigin ang ika-11 panalo sa 12 laro.

Bumanat si Rondina ng game-high 13 puntos, 7 atake, 4 na service aces at 2 blocks habang si Pons ay nagtarak ng 11 atake at 14 digs.

Nakatulong si setter Rhea Dimaculangan ng 21 excellent sets habang sina Ces Molina at Aiza Maizo-Pontillas ay nakapagdeliber ng 7 at 6 puntos para sa Petron at impresibo rin ang laro nina Mika Reyes at Mela Tunay. “I’m happy that all my players delivered,” ayon kay Petron head coach Shaq Delos Santos.(VA/MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page