14-anyos nakuryente sa poste, dedo
Paul Lamsen
Aug 7, 2019
1 min read

ISANG 14-anyos na lalaki ang natagpuang patay habang nakayakap sa streetlight, kamakalawa ng umaga sa Bayambang, Pangasinan.
Kinilala ang nasawi na si Angelito Abuda, 14, residente ng Bgy. Bicol.
Batay sa imbestigasyon, kasagsagan ng ulan nang lumabas ng bahay si Abuda para puntahan ang kanyang nililigawan.
Gayunman, hindi na nakauwi ang binatilyo hanggang sa matagpuan na lang kinabukasan na walang buhay at nakayakap sa poste.





Comments