Vendor na rapist nasakote
Pabs Hernandez III
Aug 6, 2019
1 min read
SIQUIJOR—Isang vendor na wanted sa kasong rape ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Saguing, Maria.
Ang suspek ay nakilalang si Geiger Mananding, residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya si Mananding sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa Pagadian City.
Hindi naman nanlaban si Mananding nang dakpin ito ng mga awtoridad sa nasabing barangay.





Comments