Vendor, lasog sa tren
- Mylene Alfonso
- Aug 6, 2019
- 1 min read

PATAY ang isang vendor makaraang mabangga at makaladkad ng tren ng Philippine National Railways (PNR), kamakalawa ng umaga sa Sampaloc, Manila.
Batay sa ulat ng Manila Police District-Station 4, alas-10:05 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Rochelle Aurelio, 44, tindera ng gulay, residente ng nasabing lugar.
Isang concerned citizen ang nakakita sa biktima sa riles ng PNR sa Ramon Magsaysay Boulevard, Sampaloc na siyang nagbigay-alam sa mga awtoridad.
Sa inisyal na imbestigasyon, walang nakakita nang maganap ang insidente.





Comments