Takot sa terror na titser pero paborito siya sa panaginip

Salaminin natin ang panaginip ni Janice ng Janice _Marcelo@facebook.com
Dear Professor,
Itatanong ko lang kung ano ang ibig sabihin ng panaginip ko? Sabi ng teacher ko ay paborito raw niya ako, eh, sa totoo lang, takot ako sa kanya kasi terror siya. Pero, hindi lang naman ako ang takot sa kanya, kasi ‘yan din ang sabi ng classmates ko. Sana ay masagot ninyo ang tanong ko dahil naguguluhan ako sa panaginip ko.
Naghihintay,
Janice
Sa iyo Janice,
Kaya napananaginipan mo ang terror na teacher ninyo ay dahil ayaw mong sagutin ang mga tanong niya sa recitation ninyo. Alam mo, kapag nagawa mong sumagot na ikaw ang unang nagtaas ng kamay, magugulat ka, hindi ka na matatakot sa kanya. Pero, habang pinipigilan mo ang iyong sarili, mananatili ang takot mo.
‘Di ba, ang sabi, “face your fear, be not afraid?” Kabilang ang mga ito sa susi ng tagumpay na isinabuhay ng mga nagkaroon ng successful life.
Kaya para mawala ang takot mo, minsan ay magprisinta ka sa inyong recitation dahil muli, iha, ang isa sa mga sikreto ng mga nagtagumpay ay isinabuhay nila ang “face your fear and be not afraid”.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo





Comments