Motor swak sa manhole, rider dedbol

PATAY matapos mahulog sa manhole ang rider na sinasabing lasing habang bumabagtas sa kahabaan ng Governor’s Drive, Bgy. San Agustin, Trece Martires City, Cavite, kahapon.
Kinilala ang nasawi na si Christian Luneta, 38, security guard, may asawa, residente ng Bgy. Paradahan 1, Tanza, Cavite.
Sa imbestigasyon ni Pat. John Gregory Bago, alas-12:04 ng hatinggabi, sakay ang biktima sa kanyang motor at bumabagtas sa nasabing lugar.
Nabatid na overspeeding umano si Luneta nang mawalan ito ng kontrol at nahulog sa manhole na nasa gilid ng kalsada.
Sa tindi ng impact, agad na nasawi ang rider na batay sa teoriya ng pulisya, lasing umano ang rider nang maganap ang insidente.





Comments