top of page
Pokwang.jpg

May puhunan ka man o wala, besh! TIPS PARA MAKAPAGNEGOSYO NGAYONG MAGPA-PASKO

Donna Thea Topacio
Aug 6, 2019
2 min read

BUSINESS minded ka ba, besh? Perfect dahil ilang linggo na lang ay ‘ber’ months na kung saan marami na ang mamimili ng pandekorasyon, panregalo, bagong damit at iba pa. Kaya kung gusto ninyong kumita sa darating na ‘ber’ months, narito ang mga bagay na dapat ninyong ikonsidera:

1. GAMITIN ANG SOCIAL MEDIA. Yes, beshy! Sa social media ninyo makikita kung ano ang pinagka­kainteresan ng mga tao ngayon. Halimbawa, mahilig sila sa pagkain, sapatos, damit at iba pa. Rito ninyo ibase ang ne­gosyong in­yong gagawin o sisi­mu­lan.

2. MA­GING MA­DIS­KAR­TE. Ang pagiging ma­­­diskarte ay ma­pakikinaba­ngan ninyo sa la­hat ng aspeto ng buhay, kaya mainam kung isa ito sa mga ugaling dadalhin ninyo hang­ga’t kayo ay nabubuhay. Basta siguraduhin lang na ang pagiging madiskarte ninyo ay malinis at walang halong kasamaan. Okie?

3. MAG-IPON NG PUHUNAN. Kung ngayon ay may trabaho kayo, make sure na magtatabi kayo ng budget para sa negosyong gusto ninyong simulan. Sakto at patok tuwing magpa-Pasko ang matatamis na dessert tulad ng graham balls, yema cake at oreo truffles. Yummy!

4. KUMUHA NG PUWESTO SA TIANGGE/BA­ZAAR. Marami nang tiangge na binubuksan ngayon sa mall kung saan may mga negosyanteng kahit nagtitinda na online, eh, kumukuha pa rin ng puwesto para mas lumaki ang kita nila. Kapag Pasko, mas marami ang magde-demand. Ibig sabihin, dapat marami rin kayong stock.

5. IBENTA ANG PRE-LOVED CLOTHES. Kung wala kayong trabaho, pero gusto ninyong kumita, don’t worry dahil may solusyon pa rin tayo riyan. Ang pagbebenta ng pre-loved clothes ay uso na rin ngayon kung saan sa halagang P100 kada t-shirt o dress, kikita rin kayo na puwede ninyong magamit sa pagbili ng mga regalo sa Pasko.

Oh, ayan, ngayong alam na natin ang mga bagay na dapat ikonsidera ng mga business minded bago mag-‘ber’ months, sana, may napulot kayo na magagamit ninyo ngayon pa lang. Okay?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page