Hindi pa raw sila nang lagay na 'yan… DEREK, BITBIT NA SI ANDREA KAHIT SAAN
- BULGAR

- Aug 6, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

NABASA namin ang isinulat ni Ricky Lo kung saan sinagot ni Derek Ramsay ang tanong kung sila na ni Andrea Torres. Ang sagot ni Derek, “Hindi pa,” na ibig kayang sabihin, nanliligaw na ang aktor kay Andrea?
Kaya inisip na may relasyon na sina Derek at Andrea dahil isinama ng aktor ang leading lady niya sa The Better Woman sa Shanghai, China nang lumaban ang Team Philippines sa frisbee competition.
Nakakagulat nga naman kung bakit isinama ni Derek si Andrea sa important sports event sa buhay niya kung hindi pa sila. Pero sabi nga ni Derek, hindi pa sila, kaya paniwalaan natin siya.
May nakapagkuwento lang sa amin na hindi ang trip to Shanghai at hindi ang frisbee competition ang first sports event ni Derek na sinuportahan ni Andrea. Isinama na rin daw siya ni Derek sa isang golf tournament ng aktor, hindi lang bumaba sa golf cart si Andrea, kaya hindi nalaman ng ibang tao ang presence niya.
In fairness, isa sa mga rason kung bakit pinapanood ang The Better Woman ay dahil sinusubaybayan sina Derek at Andrea. Sabi ng mga viewers, mararamdaman nila kung mag-on na ang dalawa base sa kilos at titigan ng mga ito.





Comments