top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Construction worker kinatay ng katrabaho

Levi Gonzales
Aug 6, 2019
1 min read

DEAD-ON-ARRIVAL sa ospital ang isang construction worker matapos pagsasaksakin ng kanyang katrabaho sa Bgy. Kinatihan 2, Candelaria, Quezon.

Pasado alas-11:00 ng gabi nang madatnan pang buhay ng kasamahan din sa trabaho ang biktimang si Orlando Consao alyas Orly, 44, may asawa, tubong Bayambang, Pangasinan.

Nakaupo ito sa lapag ng kanilang tinutuluyang bahay habang hawak ang kanyang duguang tiyan at inginuso umano ang suspek na si Fernando Nesus, Jr., tubong GMA, Cavite.

Patraydor umano siya nitong sinaksak matapos magtalo sa hindi pa mabatid na kadahilanan.

Mabilis nitong dinala ang biktima sa ospital ngunit, idineklara itong dead-on-arrival.

Narekober sa crime scene ang patalim na ginamit habang patuloy ang pagtugis sa salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page