‘Pinas para ‘di matulad sa Iraq at Syria — Digong | NAGDARASAL AT LUMULUHOD AKO SA DIYOS
- Mylene Alfonso
- Aug 6, 2019
- 1 min read

INAMIN kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na nangangamba siya sa posibleng pag-atake ng Islamic State of Iraq and Syria.
Dahil dito, sinabi rin ni Pangulong Duterte na ma-taimtim siya na nagdarasal sa Diyos dahil ayaw niyang may madamay na mga inosenteng tao sakaling mangyari ang kanyang kinatatakutan.
Dalangin din niya na mailayo ang bansa mula sa kalupitan dahil posibleng maging madugo talaga ito.
“Meron po akong ISIS and ito ‘yung nagbibigay sa akin ng kaba talaga. I am not a person easily swayed by itong mga dito but ‘yung putok you are not — you are spectators of the international scene,” ani Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa pagtatalaga ng mga bagong opisyal sa Palasyo.
“Ang kinatatakutan ko ‘yung just like Iraq, Syria na maraming inosenteng taong nadadale. Talagang ako’y nagdarasal, I’m praying, I really pray, talagang lumuluhod ako sa Diyos na to spare us the kind of brutality and cruelty in our country because it will really be bloody, bloody as it can ever be,” sabi ng Punong Ehekutibo.
Ipinagdasal din ni Pangulong Duterte na maliwanagan si Moro National Liberation Front (MNLF) Chair Nur Misuari na lalong ibuhos nito ang pagsisikap para sa kapayapaan sa Mindanao.
Aniya, mayroon pa rin umanong humahadlang para sana sa ‘smooth transition’ ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).





Comments