top of page
Pokwang.jpg

Yes, siya nga, siya nga, iba ang trip niya! BYUTING SINGER-ACTRESS, SANGKATERBANG MAKE-UP ANG BITBI

Erlinda Rapadas T.
Aug 5, 2019
1 min read

BLIND ITEM:

NALOLOKAH ang mga kasamahang artista ng magandang singer-actress kapag ito ay may show o concert abroad.

Hindi ang kanyang mga damit, sapatos at bags ang prayoridad niya sa kanyang luggage. Ang dami-dami niyang bitbit na maleta na puro make-up, lotion at iba pa ang laman. Sobrang banidosa ang singer-actress kaya kapag may show o concert siya abroad, ang pinakaimportante sa kanyang bagahe ay ang male-maleta niyang make-up.

Hindi naman niya nagagamit ang lahat ng bitbit niyang pampaganda. Ilan lang ang paborito niya, pero parang security blanket na niya kapag marami siyang dalang make-up ‘pag bumibiyahe.

Kung tutuusin, hindi na kailangan ng singer-actress ang makeup. Natural na siyang maganda lalo na kapag simple lang. Kaya naman kahit medyo may-edad na siya ngayon ay marami pa rin ang naaakit sa kanya.

Nalolokah lang ang mga nakarelasyon noon ng singer-actress kapag nakakasama siya sa mga shows abroad. Mistulang lipat-bahay kasi siya sa dami ng bitbit na maleta ganu’ng ilang araw lang naman siya roon.

Hindi na mabago ng sinumang lalaki ang obsession ng singer-actress sa male-maletang makeup na palagi nitong dala kaya tinanggap na lang ng kanyang karelasyon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page