top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

UNAHAN SA TOP SPOT: SINO ANG MAANGAS, ANG TIP O BRT BASILAN?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 5, 2019
  • 1 min read

UNAHANG makapagtala ng ikatlong sunod na panalo para sa solong liderato ng Group B ang Technological Institute of the Philippines at BRT Sumisip Basilan-St. Clare College sa pagtutuos nila ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2019 PBA D-League Foundation Cup.

Magtutunggali ang Engineers at ang Saints na kasalukuyang patas sa pangingibabaw sa kanilang grupo, taglay ang magkahalintulad na kartadang 2-0, panalo-talo sa huling laro ng nakatakdang triple header ngayong 5:30 p.m. sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Bago ito, magtatapat sa unang bakbakan ng 1:30 p.m. ang dalawang baguhang koponan na Alberei at Black Mamba na susundan ng sagupaan ng Marinerong Pilipino at Hazchem sa ganap na 3:30 p.m.

Sa nasabing huling laban, inaasahan ni BRT Sumisip Basilan-St.Clare coach Stevenson Tiu na tiyak na masusubok ang tibay ng team na para sa kanya ay hindi pa nasusukat matapos ang unang dalawa nilang panalo, pinakahuli ang 59-puntos na demolisyon nila sa baguhang Hyperwash noong Huwebes sa iskor na 129-72.

Tiyak na aabangan sa nasabing salpukan ng dalawang koponan ang magiging tapatan ng kanilang mga foreign big man na sina Malian Muhammad Pare ng Saints at Senegalese Papa Ndiaye ng Engineers.

Sa ikalawang laban, solong pamumuno ng Group A ang tatangkaing makamit ng Hazchem sa pagsagupa nila sa ngayon pa lamang sasalang na Marinerong Pilipino.

Samantala, magkukumahog ang Alberei na makabawi sa natamong talo sa una nilang laro pagharap nila sa ngayon pa lang ding lalaro na Black Mamba. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page