top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Transaksiyon sa Kamara, gagawing paperless; seguridad, ‘di sigurado!

Ryan B. Sison
Aug 5, 2019
1 min read

NAPAKA-HIGH-TECH na ng panahon ngayon kung saan halos lahat, eh, mayroong gadget para gamitin sa pakikipag-usap, trabaho, pag-aaral at marami pang iba.

‘Ika nga, hindi na ganu’n kauso ang pagsusulat nang manu-mano, kaya may ilang indibidwal na nagta-type na lang ng words at nagdo-drawing sa pamamagitan ng iba’t ibang applications at software.

Kaya naman isinusulong ng mga mambabatas sa Kongreso ang ‘paperless’ na transaksiyon sa Kamara. Ito ay para mabawasan umano ang gastos ng mga papel at gawing digital na lamang ang proseso.

Ayon kay Senior Deputy Majority Leader at Cavite Representative Crispin “Boying” Remulla, gumagastos ang Kamara ng halos P9 milyon kada taon para lamang sa papel kaya nais nila itong palitan ng computer tablets para sa 300 mambabatas sa Kamara kung saan P6 milyon ang kakailanganin para sa nasabing mga gadget o P20,000 kada kongresista.

Sa totoo lang, sobrang convenient at makatutulong sa kalikasan ang ganitong pamamaraan, pero hindi isandaang porsiyento ang seguridad nito. Gayundin, may posibilidad na masira o ma-virus ito dahil sa makinang nagpapatakbo rito at ‘yun ang dapat pag-isipang mabuti ng gobyerno.

Hindi naman masama kung susubukan ito nang sa gayun ay makita ang resulta kung ito ay magiging epektibo, pero ang paalala natin sa mga mambabatas, mas mainam kung doon tayo sa paraang hindi lang makapagpapabilis ng proseso kundi makapagbibigay din ng magandang serbisyo sa pangmatagalang panahon.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page