Motor na-gutter | PULIS AT ANGKAS TUMILAPON, DEDO

PATAY ang isang pulis at angkas nito matapos mawalan ng kontrol ang sinasakyang motorsiklo at tumilapon sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-arrival sa ospital sina Patrolman Jhon Vincent Villareal, 28, nakatalaga sa Station 9 ng Quezon City Police District (QCPD) at Venjie Bautista, 28.
Sa ulat ng Pasig City Police, alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Napindan Bridge, Bgy. Pinagbuhatan.
Ayon sa testigong si Bernard Munar, minamaneho ni Villareal ang Honda ZBR motorcycle, na may plakang 6125 OM at angkas si Bautista nang mapadikit sa kongkretong gutter sanhi upang mawalan ng kontrol si Villareal. Sa lakas ng impact, tumilapon ang mga biktima at malubhang nasugatan na nagresulta sa kanilang agarang kamatayan.





Comments